"Sa Likod ng Camera: Puso o Pagmamahal (Part 8)"
Tahimik ang kotse habang pauwi si Barbie. Hindi siya makatingin kay David. Hawak niya ang engagement ring sa palad—hindi pa niya ito binabalik, pero hindi rin niya maisuot muli.
“Barbs, please…” pakiusap ni David, halos pabulong, “Hindi ko sinabi dahil iniwan ko ‘yung part ng buhay ko na ‘yon. I thought it ended. I thought she ended it.”
Pero hindi sumagot si Barbie. Hanggang sa huminto ang kotse. Bumaba siya. Ulan. Gabi. Malamig. Pero mas malamig ang bigat sa puso niya.
“Hindi mo alam kung gaano ko pinaglaban ‘to, David,” nanginginig ang boses niya. “Pinili kita kahit sa dami ng ingay, ng pressure. Pero paano ko ipaglalaban ang ‘tayo’ kung ako na lang ang hindi alam ang buong kwento?”
Tahimik si David. Hindi niya maihakbang ang mga paa niya.
---
Ilang linggo ang lumipas.
No updates. Walang statement mula sa kanila. Ang fans, hati — #BarDaForever at #LetBarbieHeal. Pero isang araw, sa gitna ng mga tanong, isang video ang nag-viral:
Si Cassandra, nagla-live.
"Let me be clear. I didn't come back to ruin their wedding. I came back because David deserves to know the truth. My son… isn't his.”
Boom.
Trending. News outlets. YouTube. TikTok. Nagulantang ang lahat.
Barbie, nanonood lang sa kwarto. Nakaupo, tahimik. Habang biglang may kumatok.
Pagbukas niya, si David. Basang-basa. Walang payong. Hawak ang singsing.
“Sabi ko sa’yo, ‘di ba? Hindi ako umaarte. At ngayong alam mo na ang buong kwento…”
Lumuhod siya.
“Pwedeng bumalik tayo sa eksenang iniwan natin?”

Comments
Post a Comment